Regine ayaw nang pumatol sa mga pro-Duterte

 

Regine Velasquez

REGINE VELASQUEZ

SALUDO kami sa pagiging cool at disente ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa pagsagot sa mga netizen na namba-bash sa kanya dahil sa kanyang comment sa “rape joke” ni Rodrigo Duterte.

Hindi niya inaway ang mga ito pero naipagtanggol niya ang kanyang sarili sa mga bastos na Duterte supporters. Hindi na sumasagot si Regine sa mga bashers na ayaw pa ring tumigil sa panlalait sa kanya, pero siguradong reresbak ang singer-actress kapag anak na niya ang tinira.

Samantala, sa pagpapatuloy naman ng kanyang GMA Telebabad series na Poor Señorita, matatakasan ni Rita (Regine) si Kilmer (Kevin Santos). Asar naman sina Deborah (Snooky Serna) at Piper (Valeen Montenegro) habang pinapanood ang eksena.

Gagamitin ni Kilmer ang “Isabel Granada” niya, ihahagis sa lake kung saan tumakbo si Rita.

Magkakaroon ng malaking pagsabog. Tuwa naman sina Kilmer at Deborah. Gusto sana ni Deborah na ipa-retrieve ang katawan ni Rita sa lake pero hindi pala marunong lumangoy si Kilmer. Lulutang ang katawan ni Rita matapos ang pagsabog. Mase-save siya ni Tatang Galen. Gagamutin at dadalin si Rita sa kanyang bahay. Pero paggising ni Rita, wala siyang maalala.

Abala rin ang mga bata sa paghahanap kay Rita. Makikita nila ang press release sa dyaryo na nasa Senorita Scents na uli si Rita, may picture pa. Makikita ito ni Paeng (Mikael Daez), yayayain niya ang mga bata na pumunta sa Senorita Scents para alamin kung okey ba si Rita.

Deborah decides to send fake Rita to the US, doon daw waldasin ang perang ibinayad sa kanya. Nagpa-presscon pa siya para sa announcement ni Rita na she’s retiring. Makakapasok ang mga bata sa presscon, at nang makita ang pekeng Rita yayakap ang mga ito sa kanya.

Read more...