HINDI kumurap ang Abu Sayyaf at itinuloy nito ang banta na pupugutan ang isa sa mga dayuhan na kanilang dinukot mula sa Samal island sa Davao del Norte noong isang taon.
Lunes ng hapon ng pugutan ng mga bandido ang banyaga sa barangay Lower Sinumaan, Patikul.
Ang ulo ng banyaga ay unang sinasabing mula sa Norwegian na si Kjartan Sekkingstad, na nakuha sa panulukan ng Mayor Salih Yusah at Sari Ahmad Streets sa Barangay Walled City, Jolo, Sulu Lunes ng gabi.
Kinumpirma ni Dr. Raden Ikbala, isa sa mga doktor ng Integrated Provincial Health Office sa Inquirer, na ang ulo ay kay Sekkingstad nga.
Gayunman, isang source naman ng Bandera ang nagsabi na ang Canadian na si John Ridsdel ang pinugutan ng mga bandido.
“The head found in Jolo town appears to be that of John Ridsdel and authorities are set to bring or have already brought it to Zamboanga City,” ayon sa source ng Bandera.
Ikinuwento pa ng source na dakong alas 7:35 ng gabi nang may dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang naghagis ng isang plastic bag na naglalaman ng ulo ng biktima sa grupo ng mga kabataan na naglalaro ng basketball.
Dinukot sina Ridsdel at kapwa Canadia na si Robert Hall, ang Norwegian na si Sekkingstad at ang Pilipina na si Marites Flor noong Setyembre 21.
Nagbanta ang mga bandido na pupugutan ang mga biktima kapag hindi ibinigay ang hinihinging P300 milyong ransom.
MOST READ
LATEST STORIES