HINDI lang pala si Coco Martin ang nabibighani kay Julia Montes kundi pati ang leading man niya sa seryeng Doble Kara na si Sam Milby.
Sa nakaraang thanksgiving presscon ng Doble Kara na extended na naman ng ilang linggo ay tinanong si Sam kung ano ang nadiskbre niya kay Julia sa anim na buwan nilang pagsasama sa trabaho.
Tinitigan muna ni Sam si Julia at sabay sabing, “Wife material siya.”
Iyon naman pala. Kaya siguro hindi na pinakawalan pa ni Coco ang dalaga dahil wife material ang dalaga. ‘Yun nga lang, hindi pa maamin ni Julia na may lovelife siya dahil hindi raw dapat sa babae manggaling ang sagot, kaya kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sabi ni Sam, makapamilya din si Julia at, “She’s very much more mature than her age. I see how she is in terms of every aspect of her life. I see how she is in terms of her family. She’s a family woman, and she’s conservative in the right way.”
Hindi lang ang lovelife ni Julia ang tinanong sa presscon ng Doble Kara, kinumusta rin ng entertainment press ang buhay pag-ibig ni Sam na balitang may bago nang babaeng dine-date ngayon.
Matipid pa rin ang sagot ni Sam tungkol sa relasyon nila ng model na si Mari Jasmine, ang babaeng dine-date raw niya ngayon. Pero hindi naman itinanggi ng aktor na plano na rin niyang bumuo ng sariling pamilya, pero sa tamang panahon. Baka raw tatlo hanggang apat na taon pa raw siguro ang kanyang hihintayin.
“Pagdating sa personal life, I’m trying to keep it more personal,” anito.
Pero may himig naman ng inggit nang mapag-usapan ang ilang mga kabigan niya sa showbiz na may sari-sarili ng pamilya, partikular na nga ang best friend niyang si John Prats na daddy na rin ngayon dahil kapapanganak lang ng asawa nitong si Isabel Oli.
“‘Yung mga kaibigan ko at mga kaedad ko, they’re all having families na. Alam ko na darating din ‘yung time ko,” katwiran ni Samuel Lloyd.
Samantala, hindi naiwasang hindi tanungin kay Sam ang tungkol kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na aminadong may crush sa kanya.
Natatawa naman si Sam sa tanong kung bakit hindi niya niligawan si Pia gayung walong taon na pala silang magkaibigan.
“Kasi pareho kaming may karelasyon that time,” katwiran ng binata.
Nabanggit din na may crush din daw sa kanya ang nanalong Binibining Pilipinas-Globe na si Nicole Marie Ramos Manalo, kapatid ng dating beauty queen na si Bianca Manalo, “Wow, that’s flattering!” ang reaksiyon ni Sam.
Kaya naman may nagtanong kung hindi ba niya type ang mga beauty queen, “Hindi naman sa ganu’n, it’s just never happened. At ‘yung kay Pia, it’s been a long time and if ever (manligaw), there’s a good foundation kasi we keep our good friendship and we keep in touch. There are times na hindi kami masyadong nag-uusap pero hindi po kami nag-date.
“Bilang kaibigan niya, it’s flattering na vocal siya sa (pagsasabing crush niya si Sam) sinabi niya sa fast talk kay Boy Abunda,” anito.
Dagdag pa ng binata, “Napaka-genuine na tao ni Pia at hindi dahil Miss Universe siya kaya liligawan ko, hindi dapat ganu’n. If I want to court her dahil taos puso, hindi dahil lang Miss Universe because I knew her for a long time.”
Napaka-gentleman ni Sam sa mga sinabi niya kaya naman ang hirit sa kanya ng Dean of Entertainment Writers na si Manay Ethel Ramos, “Sam, bakit naman napakadisente mo?” Na pinatulan naman ni Sam at nagsabing, “Dahil po may guilty conscience din ako!”