TOTOONG-TOTOO para sa isang female personality ang kasabihan na walang baya-ning tinatanggap sa sarili niyang bayan. Sa kabila ng maganda niyang kapalaran ay hindi pa rin kumpleto ang kaligayahan ng babaeng personalidad dahil maraming hindi nagkakagusto sa kanya.
Hindi naikakaila sa kanya ang totoo, nalaman kasi ng female perso-nality na karamihan pala sa mga namba-bash sa kanya ay mga dati niyang kaibigan at kaklase, ang mga taong nakakakilala sa kanya mula ulo hanggang paa.
Takang-taka ang girl kung bakit maraming kuwentong lumulutang tungkol sa kanyang nakaraan, meron na siyang duda nu’n kung sino ang pinagmumulan ng mga hindi kagandahang istorya, pero kailan lang niya nalaman na mga dati pala niyang kasama-sama ang pinanggalingan ng lahat.
Kuwento ng aming source, “May iba pa ba namang pagmumulan ang mga kuwentong ganu’n? Natural, sino ang source nu’n kundi ang mga dati niyang nakakasama? Ang mga ‘yun ang nakakakilala sa kanya.
“Sino ba ang nakakaalam na dati na siyang bully at pintasera? Sino ba ang nakakaalam na nu’n pa man, e, mahilig na talaga siyang lumaklak?
“Malalaman ba naman ‘yun ng mga taong ngayon lang niya nakakasama at nakakatrabaho? Natural, mga dati lang niyang nakakasama ang nakakaalam na nu’n pa man pala, e, reyna na siya ng pagiging pintasera! “Nu’n pa man pala e, masyado nang feeling ang babaeng ‘yun, walang maganda para sa kanya, siya lang ang beautiful, period!” nakataas ang kilay na kuwento ng aming impormante.
‘Yun na! Nagtatago pala sa dilim ang mga dati niyang kaibigan, nag-iimbento lang ng mga pangalan, sila-sila pala ang nang-uupak sa dati nilang kaibigan na bigla na lang sumulpot at nakilala ng publiko.
“Naku, Bradly Guevarra, huwag mong sabihin na hindi mo siya kilala, ilang tumbling lang sa inyo ang pinanggalingan niyang bayan,” nakairap na pagtatapos ng aming source.