Kalat na: Pamilya nina Robin, Daniel at Karla masisira nang dahil sa Politika

karla estrada

MABILIS na nag-trending sa social media ang video ni Robin Padilla na nanghihikayat sa kanyang mga kapwa artista na pumanig na sa Presidenteng iboboto niya sa nalalapit na halalan. Opening statement pa lang ni Robin ay may disclaimer agad ang action star na mabilis na ikina-react ng netizens.

Madiing sinabi ni Robin na hindi siya binayaran para gawin ang naturang endorsement sa social media. Kasunod ang paghikayat niya sa kanyang mga kapwa artista na umanib din sa kanyang ibobotong Presidente at huwag na huwag magpabayad.

Hindi naman siguro pinariringgan ni Robin ang kanyang sariling pamangkin na si Daniel Padilla na todo-suporta sa kandidatura ni Sen. Mar Roxas. It’s in the news naman na binayaran diumano ng ilang milyung piso si Daniel at ang kanyang kalabtim na si Kathryn Bernardo para ikampanya si Mar Roxas for President.

We remember noong huli namin nakausap si Robin at kunin ang opinyon sa page-endorse ni Daniel kay Roxas, hindi raw niya alam ‘to at nagulat na lang din upon hearing the news. Hindi naman siya nagdi-demand na hiningan muna siya dapat ng advice ni Daniel tungkol sa isyung politikal.

Pero sana raw ay tinanong muna siya ng kanyang pamangkin bago tinanggap ang pag-eendorso kay Roxas. Ano kaya ang reaksyon dito ng ina ni Daniel na si Karla Estrada? Oh, well, hindi naman siguro senyales ito ng pagkakawatak-watak ng Padilla clan dahil lang sa eleksyon, ‘no.

Although, hindi rin naman talaga maiaalis na sa isang pamilya, may kanya-kanyang “manok” talaga. At grabe talaga ang pagka-involve ng mga Pilipino ngayon sa Presidential elections. Sa social media na lang, napakainit na nang bakbakan ng netizens para sa kani-kanilang candidate.

Pati ang TV host na si Vice Ganda ay apektado na rin ng “init” nang palitan ng mga opinyon sa social media. Kaya umiiwas na rin siya sa pagpo-post ng anything about the election especially sa Presidential candidates.

Umiwas din magpainterbyu si Vice at magbigay ng comment tungkol sa nagaganap na mga isyu sa politika ngayon. Habang ang kanyang “asawa” na si Kris Aquino ay bising-busy sa pangangampanya kay Mar Roxas sa mga probinsya.

Kung sa comment pa lang ay ayaw nang magbigay ni Vice, does this mean na ayaw din niyang mag-endorse ng kandidato? Unless siguro kung si Kris na mismo ang lumapit sa kanya at humingi ng tulong na ikampanya na rin ang “manok” ng admistrasyon ng kanyang kapatid na si Pangulomg Noynoy. Baka mag-iba nang pananaw si Vice ukol dito. Let’s wait and see.

 

Read more...