Robin, Sarah, Nora, Manoy pinuri sa tibay ng paninindigan sa politika

robin padilla

Hati-hati talaga ang mundo ng showbiz maging ang nga taga-sports sa takbo ng kampanyahan ngayon.
May mga consistent sa pagsasabing bawal sa kanila ang mag-endorso ng kandidato o mangampanya pero meron ding mga inconsistent dahil denay pa nang denay noon na wala silang aakyatang campaign rally pero nang alukin ng malaking talent fee biglang nagbago ang isip.

Kaya naman mas proud pa kami sa mga gaya ni Robin Padilla at iba pa na since day one, ay nakikialam na at naninindigan sa kanilang prinsipyo. Nandiyan din si Nora Aunor na noon pa ring nagpahayag ng suporta kay Grace Poe, at si Manoy Eddie Garcia na pilit iniintriga na nagpabayad daw sa isang party list gayung may isang party list din pala na gustong dalhin sa Kongreso ng kanyang kapamilya.

Ngunit mukhang di naman ito reliable. Nakakabilib din si Shaina Magdayao dahil siya itong nag-anunsyo na mahigpit at ayaw din niya kahit pa meron siyang pelikulang “My Candidate” with Derek Ramsey.

Si Sarah Geronimo din ay nag-beg-off sa mga ikakampanya dahil aniya, ayaw niya at wala pa naman talaga siyang personal na alam sa mga ito.

Read more...