Kris pinagdududahan: Nagpapakapagod sa kampanya kahit maselan ang kalusugan

kris aquino

At kahit anong paliwanag ang gawin ng administrasyon tungkol sa nakunang video at mga larawan ng paggamit ng limang government owned choppers ni Kris Aquino, the fact will still remain na ginamit ang property ng gobyerno at huwag ding gawing palusot ang pagsuot ng “yellow uniform” nito na obvious namang pangampanyang uniporme ng LP.

Sobra namang pagpapamukhang tanga sa sambayanan ang ganyan, di ba? Granting na umaaktong “first lady” ng single niyang kapatid na si Pangulong Noynoy si Kris at sinasamahan niya ito sa mga huling emote nito bilang pangulo, maiaalis ninyo ba sa sambayanan ang usaping pamumulitika sa gitna ng campaign period?

Perfect timing din bang natapos na ang hinihinging bakasyon ni Tetay sa showbiz at omokey na uli ang blood pressure niya at kailangan na niyang umikot ng bansa para sa partido ng kuya niya? Imagine, sa init ng panahon ngayon delikado kay Kris ang magbabad sa kalye dahil sa kundisyon ng kanyang kalusugan.

Nagtatanong din ang ilang friends natin kung ano raw ang masasabi namin sa isang bonggang graduation rites lately kung saan naimbitahan si ateng Korina Sanchez as guest speaker pero ang suot nito ay ang pangampanyang uniform ng LP.

Habang ang lahat daw ay nakatoga at nakasuot ng bongga dahil gusto nilang alalahanin ang mga naging paghihirap at tagumpay nila sa pag-aaral, heto at ang guest speaker daw nila ay sobrang proud na naka-yellow t-tshirt.

Anong klaseng mensahe daw kaya sa mga graduates at school administration ang naipahiwatig nu’n?

 

Read more...