Buking: Regalong flyboard ni Liza kay Enrique nagkakahalaga ng P300,000

liza soberano

MAHAL ang pagmamahal ni Liza Soberano kay Enrique Gil. Medyo napatulala kami sa halaga ng flyboard na birthday gift ni Liza sa kanyang Dolce Amore leading man.

Nasulat sa isang website na ang flyboard ay nagkakahalaga ng around $6,000 o kulang-kulang P300,000. Kaloka, ‘di ba? Sa interview sa kanya ni MJ Felipe ay natanong ang dalaga kung bakit napakamahal naman ng gift niya sa aktor.

“He likes the feeling of flying, kasi he wants to be Superman or Ironman. Inisip ko kasi din na ang magbe-benefit din naman si Andy, siya and its like a really good gift that you will be able to use for a long time,” say ni Liza.

Tuwang-tuwa namang ipinost ni Enrique sa kanyang Instagram account ang flyboard and said, “Flyboard baby. Thank you @lizasoberano. I love you!” With that ay marami ang nagsasabing more than friends na nga sina Liza at Enrique.

‘Kaw ba naman ang regaluhan ng ganoon kamahal na gift ay wala pa kayong relasyon? Anyway, ang maganda sa dalawa ay hindi sila gumigimik para lang mapag-usapan, para lang maging kontrobersiyal. They’re are just doing what they do best – ang mapa-happy ang kanilang fans.

 

Read more...