Korean crooner waging Grand Touristar sa I Love OPM

yohan kwan

Boto kami kay Yohan Hwang na tinanghal bilang Grand Touristar sa unang season ng I Love OPM noong Sabado. Nu’ng una naming napanood si Yohan kung saan kinanta niya ang “Ako’y Sa ‘Yo At Ika’y Akin” ay nagustuhan na namin siya dahil may boses talaga bukod pa sa cute siya na siyang entahe niya sa fans.

Mas bumilib kami sa kanya nang awitin niya ang kanta ni Daniel Padilla na “Nasa Iyo Na Ang Lahat” kung saan inabutan pa niya ng rosas si Toni Gonzaga na isa sa Himmigration officer. Inamin naman ni Toni na kinilig siya sa ginawa ng tinaguriang Korean crooner.

Napanalunan ni Yohan ang isang taong recording contract sa Star Music, vacation package kasama ang pamilya sa isang resort sa Cebu City at P2 milyong piso. Nagustuhan ng Himmigration officers na sina Martin Nievera, Toni at Lani Misalucha ang version ni Yohan ng “Wag Ka Nang Umiyak” na orihinal ng bandang Sugarfree na ginamit namang soundtrack sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Fifty percent ng boto ay nanggaling sa tatlong Himmigration officers at ang kalahati ay ga-ling naman sa text votes.

Read more...