JaDine muling susugod sa US, Canada para sa bagong world tour

james reid

SINGING heartthrob ang tawag kay James Reid nang ipakilala siya ni Anne Curtis bilang special guest sa finals night ng I Love OPM noong Sabado ng gabi na ginanap sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World.

Base sa napanood namin sa telebisyon at sa kuwento na rin ng mga kakilalang nasa venue ay talagang nakabibinging hiyawan ang maririnig nu’ng sumampa ng entablado si James. Kahit malayo ang boyfriend ni Nadine Lustre sa audience ay talagang kanya-kanyang selfie ang mga kinikilig na fans na tilian nang tilian kesehodang mamaos sila.

Anyway, hindi nakasama ni James si Nadine na iniwan lang niya sandali sa shooting ng pelikulang “This Time” na ipalalabas na sa May 4. Samantala, heavy scenes ang mga eksenang kinunan kahapon nina James at Nadine na naging dahilan para i-cancel ang set visit sana ng ilang members ng entertainment press dahil kailangan nilang umabot sa playdate.

Balik-concert tour pala ulit ang JaDine sa iba’t ibang parte ng Amerika at Canada ngayong Mayo bago nila umpisahan ang susunod nilang teleserye sa ABS-CBN.

 

Read more...