Heart, Lovi ginulat ang mga namimili sa isang shopping mall

heart evangelista

Hindi nauubusan ng pakulo itong si Heart Evangelista at mga supporters ni Sen. Chiz Escudero. Last week lang ay nagkaroon ng flash mob ang mga tagasuporta ng senador sa Trinoma Mall, kasama pa si Heart at bestfriend nito na si Lovi Poe.

Nagulat ang mga shopper nang bigla na lang nagsulputan ang mga taong nakaputi at nakamaskara ng mukha ni Sen. Chiz sabay sumayaw ng “Shut Up and Dance” ng Walk the Moon. Pero mas ‘di nila in-expect na nang matapos ang sayaw, pagtanggal ng mga mask, dalawa pala sa mga nakisayaw ay sina Heart at Lovi! Dinumog ng tao ang dalawa at masaya naman silang nakipag-selfie with their fans.

Hindi talaga maubos-ubos ang mga pasabog ni Heart para sa kandidatura ng kanyang mister. Sa Instagram at Twitter ay panay din ang promote ng Kapuso actress sa “Run with Chiz” na inorga-nisa rin ng mga tagasuporta ng senador na naganap na nga kahapon sa bukas sa Quezon Memorial Circle.

Read more...