NATUPAD na nga ang isa sa mga pangarap ng Kapuso heartthrob na si Derrick Monasterio – ang maging recording artist. Recently ay ni-launch na ng GMA Record ang kanyang self-titled debut album na may pitong tracks kabilang na ang duet nila ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose, na may titulong “Ang Aking Puso”.
Nakausap namin si Derrick pagkatapos ng question and answer portion ng presscon para sa kanyang album at tinanong nga namin siya kung ano ang feeling na isa na siyang certified recording artist.
“Nakakatuwa kasi pangarap ko na po talaga ito simula pa noong bata ako.
Matagal na rin akong kumakanta bago pa ako nag-acting. Nag choir din kasi ako before so talagang nasa ano ko na talaga siya, part na siya ng childhood ko. “So nu’ng pumasok ako sa showbiz yun talaga ang dream ko, makagawa ng album hindi yung maging sikat na aktor,” kuwento ni Derrick.
Anong feeling na maraming pumupuri sa iyo bilang singer? “Nakakatuwa po kasi parang nagiging surprise sa akin. Siguro kasi hindi po nila ako masyadong naririnig talaga na kumanta. So pag may opportunity sa live guestings na kumakanta ako nakikita ko yung Twitter ko na, ‘Uy infairness ang galing mo palang kumanta,’ so nakakatuwa kasi at least kahit papaano surprise ko sila.”
Kung may mga natutuwa sa pagsabak niya sa recording, meron ding mga nanlalait, ano ang reaksiyon mo rito? “Well sabi ko nga po hindi na mahalaga sa akin kung bumenta siya o hindi, ang importante is nagkaroon ako ng album. Du’n pa lang sa part na ‘yun success na for me.”
May mga fans pa rin ba sina Maine Mendoza at Alden Richards na umaaway sa kanya at paano mo ito hina-handle para hindi ka maapektuhan? “Meron pa rin pero hindi na siya ganu’n kaingay. Parang sa Instagram nagpo-post ako nu’n ng mga kanta, ng mga cover songs.
Nu’ng naba-bash ako, para kasing nire-relate nila du’n sa girl (Maine). Alam mo ‘yun, ‘yun kasi talaga ang gustung-gusto ko (nagpo-post ng video), pero sabi ko hindi na lang ako magpo-post baka kasi sabihin nila, mag-assume sila na para du’n ‘yun sa isa.
“Yes, medyo nabawasan, medyo tumahimik (bashers). Pero na-bad trip ako kasi that’s my thing, e, ‘yung nagpo-post ng covers para din sa mga supporters ko, so ayun. Anyway, ang iba pang kantang mapapakinggan sa album ni Derrick bukod sa duet nila ni Julie Anne ay ang mga sumusunod: “Give Me One More Chance”, ang kanyang carrier single, his version of Gary Valenciano’s hit “Kailangan Kita,” “Batobalani”, “Kailangan Mo, Kailangan Ako (duet with Hannah Precillas), “Pa’no Nga Ba?” at “Reyna”.
Derrick’s album can be downloaded via iTunes, Amazon Music, eMusic and Qobuz, habang ang physical copies ay available na sa Astroplus, Astro Vision, The Landmark and SM Music at Video record outlets nationwide.
Samantala, sa press launch ng kauna-unahang album ni Derrick, natanong ang binata kung natsa-challenge ba siya sa tagumpay ng album ng kanyang kaibigang si Alden Richards. Kamakailan ay umabot na sa 5x Platinum ang album ni Alden. Sagot ni Derrick, “For me, nag-umpisa ‘yung success ko pagkakuha ko ng album.
“Of course, siyempre I’ll be happy kung dadami yung sales ng album ko. Pero sabi ko nga, having an album is already something for me kasi that’s always been a dream of mine. “So talagang kahit na hindi siya ganu’n kalakas as compared to Alden’s, basta ako nasabi ko kung ano ‘yung gusto kong sabihin through my songs.”