Nadine sa pambababae raw ni James: Alam ko naman kung ano ang totoo!

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

ONE week apart din halos ang nakatakdang showing naman ng “This Time” movie ng paborito naming JaDine tandem.

Sa gitna ng mga shooting skeds at pagtatapos ng movie, eh sari-sari rin ang mga isyung ibinabato sa couple, kasama na rito ang diumano’y pagbabalik-wisyo ni James Reid ng pambabae at pagkahilig sa goodtime at ang umano’y pagpapaka-martir ni Nadine Lustre.

Siyempre tinawanan lang lahat ng ito ng dalawa at ayon pa kay Nadine, “For as long as alam namin ang aming tunay na nangyayari, we are happy and we are still together, wala pong problema.”

We truly believe na nasanay na sa intriga ang magjowa at nasasanay na rin sila sa takbo ng sistema sa showbiz.

In fact, bago nga raw ang showing ng movie nila ay umaasa pa silang mas matitindi pang intriga ang kanilang sasagutin pero ang lahat daw ng yun ay alam na nilang i-handle.

Samantala, marami ang curious sa mas pagiging in love this time ni Nadine over James. Dati-rati raw kasi ay mas expressive si James, this time daw ay baliktad na.

Ang sagot naman namin, “Ganun talaga ang totoong nagmamahalan. Magjowa na kasi kayo para maka-relate kayo sa JaDine. Ha-hahahaha!”

Read more...