ISANG pagbati sa bumubuo ng inyong pahayagan. Muli po akong sumulat sa inyong column sa Aksyon Line dahil gusto ko po na malaman ang status ng ECC claim na na file ng aking pinsan sa namatay niyang mister na si Emil Lorres habang nasa trabaho.
Malaking tulong po ang makukuha niyang benipisyo para sa kanyang mga anak. Ask ko na rin po kung ano anong saklaw ng medical benefits o yung tinatawag po na lost of income benefits ng ECC para naman po sa aking tiyahin na nagtatrabaho sa garments at naakasidente habang nasa trabaho. Sana ay matulu-ngan ninyo ako sa aking katanungan. Salamat po.
Lita Rosario
Gapan , Nuea Ecija
REPLY: Para sa iyong katanungan Ms Rosario ang tungkol sa claim ng iyog pinsan para sa namatay niyang mister ay kasalukuyan ng iniimbestigahan ng ECC at agad na ipapaalam anuman ang magiging resulta ng imbestigasyon.
Para naman sa iyong katanungan sa medical at lost of income benefits, medical benefits kung saan kasama sa pagsasauli ng nagugol na gastos sa mga gamot para sa sakit o pinsala. May bayad sa mga pangangalagang medical, pangangalagang ospital, surgical expenses at mga gastos sa kasangkapan at supplies kung saan kinakailangan.
Ang mga serbisyong medikal ay limitado sa ward services ng isang accredited hospital.
Loss of income benefit o paggawad ng pera sa isang manggagawa upang bumawi para sa nawalan niyang kita dahil sa kanyang kawalan ng kakayahan para magtrabaho
Mga uri ng loss of income benefits:
Temporary total disablity (ttd) benepisyo na ibinibigay sa isang manggagawa na hindi makapagtrabaho hindi tatagal sa panahon na binibuo ng sunod sunod na sandaan at dalawpung (120) araw.
Permanent partial disability (ppd) benepisyo na ibinibigay sa isang manggagawa na nagkasakit o nagtamo ng pinsala na humahantong sa permanenteng di ganap na kapansanan
Permanent total disablity (ptd) benepisyo na ibinibigay sa isang manggagawa na nagkasakit o nagtamo ng pinasala ng humantong sa permanenteng ganap na kapansanan at hindi makapagtrabaho ng tumagal na ng mahigit dalawang daan at apatnapung araw (240) araw. Ang PTD benefit ay maaring makuha sa sumusunod na mga kundisyon:
1.kumpletong pagkawala ng paningin ng parehong mga mata
2.pagkawala ng dalawang paa/braso o sa itaas na bukung bukong pulso
3.permanente at kumpletong pagkalumpo ng dalawang paa/braso
4.utak pinsala na nagresulta sa may sakit na wala ng lunas sa pagkasinto sinto o pagkasira ng ulo at
5.mga ganitong kaso tulad ng natukoy at naaprubahan ng SSS
Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan.
Salamat.
Atty. Jonathan VillaSotto
Deputy Director
Employees Compensation Commission (ECC)