Biazon kinasuhan sa pork barrel scam

raffy biazon
Sinampahan ng mga kaso ng Office of Ombudsman si dating Bureau of Customs Commissioner Rozzano Rufino Blazon kaugnay ng pork barrel fund scam.
Kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Malversation at Direct Bribery ang isinampa sa Sandiganbayan. Magkakahiwalay ang isinampang kaso.
Kasama niya sa kaso sina dating Energy Regulatory Commission chairman Zenaida Ducut, na nagsilbi umanong agent ng non-government organization; at mga opisyal ng Department of Budget and Management at Technology Resources Center.
Ayon sa Ombudsman mayroon silang sapat na ebidensya upang isampa ang kaso laban kay Biazon, na kongresista ng Muntinlupa City ng magawa umano niya ang krimen noong 2007.
Si Biazon ay inakusahan na tumanggap umano ng P1.950 milyong kickback mula sa Philippine Social Foundation, Inc. na iniuugnay kay Janet Lim Napoles kung saan napunta ang kanyang Priority Development Assistance Fund na nagkakahalaga ng P3 milyon.
“Biazon, in his capacity as a public officer, unilaterally chose and endorsed PSDFI to implement a livelihood project funded by his PDAF allocation…. as well as caused the preparation and execution of an endorsement letter, Memorandum Agreement and other similar communications … and help facilitate the release of said public funds,” saad ng reklamo.
Sa naunang pahayag ng Ombudsman sinabi nito na ‘ghost’ ang proyekto na para sa farm implements, livelihood materials at training.

Read more...