TNT, Alaska mag-aagawan sa semis seat

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
7 p.m. Alaska vs Tropang TNT
(knockout quarterfinals game)

PAG-AAGAWAN ng Tropang TNT Texters at Alaska Aces ang huling silya sa 2016 Oppo PBA Commissioner’s Cup best-of-five semifinals sa kanilang do-or-die quarterfinals game ngayong alas-7 ng gabi sa Araneta Coliseum, Quezon City.

Pinamunuan ni Calvin Abueva ang Aces sa 85-81 pagwawagi noong Martes ng gabi para makapuwersa ng do-or-die Game 3 sa kanilang quarterfinals series.

Inaasahan na magiging dikdikan ang bakbakan ng Tropang TNT at Alaska na parehong hangad na makaabante sa semis.

Ang magwawagi sa pagitan ng Tropang Texters at Aces ay makakasagupa ang No. 2 seed Meralco Bolts sa isang best-of-five series na magsisimula sa Lunes.

Read more...