CLEVELAND — Umiskor ng 27 puntos si LeBron James at tumira ng pito sa NBA playoff record-tying 20 three-pointers si J.R. Smith para ibigay sa Cleveland Cavaliers ang 107-90 panalo at 2-0 bentahe sa first round playoffs series nito kontra Detroit Pistons.
Pukpukan ang laban sa first half ngunit nagpakawala ng 27-15 rally ang top-seed Cavs sa third quarter para tuluyang layuan ang Pistons at mapanatili ang home-court advantage.
Lilipat ang serye sa Detroit bukas para sa Game Three.
Si Kyrie Irving ay nagdagdag ng 22 puntos para sa Cleveland na tumira ng 20-of-38 mula sa three-point area.
Napantayan ng Cavs ang playoffs record na may pinakamaraming naibuslong tres ng Golden State (2015), Dallas (2011) at Seattle (1996).
Si Andre Drummond ay tumira ng 20 puntos at si Reggie Jackson ay nag-ambag ng 14 para sa Pistons na natalo ng 10 straight playoff games laban sa Cleveland.
Si Drummond ay tumira ng 4-of-16 (25%) mula sa free throw line.
Heat 115, Hornets 103
Sa Miami, kumulekta ng 28 puntos at walong assists si Dwyane Wade habang si Hassan Whiteside, na may 17 puntos, ay hindi nagmintis sa kanyang walong tira para ibigay sa Miami Heat ang 2-0 lead kontra Charlotte Hornets.
Nagdagdag din ng 13 rebounds si Whiteside.
Si Goran Dragic ay may 18 puntos, si Luol Deng ay may 16 at si Josh Richardson ay may 15 para sa Heat.
Si Kemba Walker ay umiskor ng 29 puntos para sa Charlotte.