‘Sana malaos na si POKWANG para magising siya sa katotohanan!’

pokwangGalit na galit daw ang mga dati niyang kaibigan

SA isang umpukan ng barkadahan ay naging topic ang ilan sa ating mga komedyana.

Siyempre, nangunguna ang pangalan ng Box-Office and Comedy Concert Queen na si Ms. Ai Ai delas Alas at sinundan ito ni Eugene Domingo.

Sa hindi malamang kadahilanan, may nagpasok ng pangalan ni Pokwang na sabi’y sumusunod daw sa yapak ni Ai Ai.

Probably because Pokwang started as a stand-up comedienne bago siya pumasok sa showbiz via a talent search.

In fairness naman kay Pokwang, she worked her way up though her talent is mediocre – yung tipong hindi na talaga aarangkada pa.

Kumbaga, no offense meant to her, this is the best that she can be.

We’re not being judgmental ha, realistically, wala siyang killer punch to make it real big in the business.Marami siyang live concerts na tsambahan, yung iba nagkiklik pero yung iba di gaano.

“Kasi nga, nasa vibes din iyan, eh. Hindi consistent ang husay niya, lalo na ang ugali.

Kita n’yo naman, mabilis siyang makalimot sa mga taong tumulong sa kanya in the past.

Eh, kung si boss Wowie de Dios nga ng Music Box na isa sa unang nagbigay sa kanya ng break ay hindi nga niya madalaw at makumusta?

“Mabilis makalimot si Pokwang, siya yung tipong fair-weather friend.

Kung saan siya may pakinabang doon siya.

Pag wala ka na sa kanya, tae ka na.

Ni ha ni ho, wala! Mas okay pa nu’ng nagsisimula siya at nakakakilala pa pero nitong mga huling buwan, waley.

Kaya kaming mga dating friends niya, kasalanan man ang mag-wish ill sa kapwa pero sinasabi naming sana ay malaos na lang siya para magising siya sa katotohanan,” anang isang malditang kasamahan namin sa huntahan.

Ang sakit naman ng wish niya kay Pokey. Bakit ba?

Ano ba ang nagawang kasalanan sa kanya ni Pokwang at ganoon na lang ang galit niya rito?

“Hindi naman kami close niyan masyado.

Mabuti na lang at hindi ako nakipag-close sa babaeng iyan.

Kung nagkataon, nagkapareho kami ng fate ng ibang friends namin.

Akala kasi siguro ni Pokwang, ang mundo ay puro showbiz na lang.

Baka akala niya ay kailangan namin ng salapi niya, may pera rin kami, oy!

“Yung sa amin lang, masyadong tumayog ang lipad niya.

Diyos ko naman, ang korni ng mga jokes niya, ‘no! Kaya dapat sa kanya hindi na tinatangkilik.

Nagpapaka-Ai Ai siya, hindi naman niya kaya. Mind you, wala pa siya sa kalingkingan ni Ai Ai.

“Nakita n’yo naman si Ai Ai, ang laki na ng pangalan niya pero she remember names.

Pinupuntahan pa rin niya ang mga parties ng mga old friends niya.

Tsaka ang mga projects niya puro box-office, mapa-movies o concerts.

Kaya huwag umasta si Pokwang na parang kung sino na siya.

Kahit umabot pa ng 10th floor ang bahay niya sa Antipolo na palagi niyang pinagyayabang, keber namin.

Ha-hahha!” dagdag-taray pa ng kausap namin.

Oh no! Bakit nagkaganoon? Bakit parang may poot sa dibdib ng kausap namin pag si Pokwang na ang topic.

Kasi naman eh, sina Ai Ai at Eugene lang ang dapat pag-usapan, isiningit pa kasi ang pangalan ni Pokwang na hindi naman talaga dapat.

Kumbaga, malayo naman siya talaga di-hamak kina Ai Ai and Eugene, di ba?

Kungsabagay, may point din naman, marami ang sumang-ayon na nakalimot na nga si Pokwang.

Ni hindi na nga ito bumabati, hindi na nagte-text, ni hindi nga niya kami nabati man kang ng Merry Christmas nitong nakaraang taon unlike the past years na she connects with us.

Pero sabi ko nga, baka naman may mga taong hindi magandang impluwensiya sa kanya kaya bigyan natin ng chance na madepensahan ang sarili niya.

“Kahit sino pa ang pumigil sa kanya, kung may sarili siyang utak, no one can stop her para kumustahin ang mga old friends niya.

Kaya mabigat ang pag-arangkada niya dahil nauna ang yabang niya.

Akala siguro ni Pokwang malayo na ang narating niya.

Marami pa siyang kakainining bigas para mapalapit man lang sa status nina Ai Ai at Eugene,” pahabol pa ng baklitang ito.

Read more...