Coco martin nangampanya para kay Poe

coco
Matapos ikampanya ng kanyang half-sister na si Lovi Poe kamakalawa ng gabi, kasama naman ni Sen. Grace Poe sa kanyang pangangampanya kahapon ang aktor na si Coco Martin.
Kahapon si Martin ay sumama kay Poe sa pangangampanya nito sa Bacolod City.
Sa gitna ng init ng panahon ay sumama si Martin sa motorcade ni Poe.
Umikot ang kanilang motorcade sa Bacolod City, Silay City. Isang dialogue naman kasama ang mga kapitan ng barangay ang isasagawa sa Victorias City.
Nauna ng ipinangako ni Poe ang paglalagay ng airport sa Silay City kung siya ay mananalong pangulo.
Nakatakda ring lumipad sa Palawan sina Poe, at running mate nitong si Sen. Francis Escudero at Martin para sa isang campaign rally mamayang gabi.
Nangampanya naman si ang aktres na si Lovi Poe sa Cagayan de Oro City kamakalawa ng gabi.
Sinabi ni Lovi na ang senadora ay isang mabuting kapatid, mabuting ina at magiging mabuting ina ng ating bansa.

Read more...