Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong graft at malversation laban kay dating Malabon-Navotas Rep. Alvin Sandoval kaugnay ng pork barrel fund scam.
Ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsasampa ng tig-tatlong kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at malversation laban kay Sandoval sa Sandiganbayan.
Kasama niya sa kaso ang mga dating opisyal ng Technology Resource Center na sina Antonio Ortiz, Dennis Cunanan, Maria Rosalinda Lacsamana, Marivic Jover at Consuelo Espiritu; Rolleo Ignacio ng Dr. Rodolfo A. Ignacio Sr. Foundation, Inc.; Petronila Balmaceda at Fernando Balmaceda ng Pangkabuhayan Foundation, Inc. at Roberto Agana ng Jacinto Caster Borja Foundation, Inc.
Ayon sa Ombudsman, napunta ang P30 milyong halaga ng PDAF ni Sandoval sa DRAISFI, PFI at JCBFI sa pamamagitan ng TRC. Nakatanggap ang DRAISFI at PFI ng tig-P5 milyon at ang P20 milyon ay napunta sa JCBFI.
Hindi umano totoo na ginamit ang pondo sa mga livelihood skills training at pagbili ng mga livelihood and agricultural kits. Sinabi ng mga nakausap na kapitan ng barangay at city agriculturist na wala silang nilahukan na ganitong programa.
Ang mga totoo ang listahan ng benepisyaryo at ang mga supplier ay hindi totoo o walang permiso upang magnegosyo.
Kaso vs ex-cong na sabit sa pork barrel fund scam
READ NEXT
God’s humble representatives
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...