NASINTENSIYAHAN ng tatlong habambuhay na pagkabilanggo ang isang security guard matapos mapatunayang guilty sa panggagahasa at pagpatay sa isang estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) na si Given Grace Cebanico noong 2011.
Sinabi ni Judge Alberto Serrano, ng Calamba City Regional Trial Court Branch 92 na guilty si Lester Ivan Rivera sa three counts ng rape na may kasamang homicide at theft at sinintensiyahan ng tatlong habambuhay na pagkabilanggo.
Ipinalabas ni Serrano ang desisyon, makalipas ang mahigit ang apat na taon matapos ang insidente na ikinagulat ng buong komunidad ng Los Baños, Laguna.
Sumuko si Rivera sa mga otoridad matapos ang krimen, inilipat sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City noong 2014 matapos siyang masintensiyahan sa kasong theft.
Naghihintay naman ng hatol ang kapwa akusado ni Rivera na si Percival de Guzman.
Ginahasa at pinatay si Given Grace, 19, isang junior computer science student, malapit sa campus noong Oktubre 2011.
3 habambuhay na pagkabilanggo vs sekyu na sangkot sa UPLB stude rape-slay
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...