Inilabas na sa media ng kampo ng presidential aspirant na si Sen. Grace Poe ang kopya ng school ID nito sa Boston College, sa Estados Unidos.
Ginawa ito ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, spokesman ni Poe, matapos na muling buhayin ang isyu ng paggamit umano niya ng pekeng Social Security Number habang nasa Amerika.
“The student ID number indicated is the same number being alleged as the fake social security number. Clearly, the news article has no basis and the evidence attached refutes its allegations, ani Gatchalian.
Inaakusahan si Poe na gumamit ng pekeng SSN number, at ang naturang numero (005-003-1988) ay katulad ng nakalagay sa kanyang ID sa Boston College, Chestnut Hill, Massachusetts.
“Sen. Poe has been honest in her disclosures from day one. This virtue is what the voters saw in her last senate elections when they elected her no.1 and what they continue to see in her,” dagdag pa ni Gatchalian.
Ayon sa mga lumabas na ulat ang SSN number na ito ay ginamit ng isang tao na patay na ngayon.
Noong Marso ay lumabas na ang naturang isyu at muli itong binuhay halos dalawang linggo bago ang eleksyon.
Ilang ulit ng sinabi ni Poe na legal ang kanyang pagpunta sa Amerika kaya walang dahilan upang gumamit siya ng pekeng SSN.
ID ni Poe sa US inilabas
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...