NAPIKON si Pauleen Luna nang mabasa ang ilang komento ng kanyang followers sa social media kung saan tinawag siyang ahas at mang-aagaw.
Ayon sa ilang netizen, napilitang magpakasal sa isang lalaki ang co-host nila sa Eat Bulaga na si Pia Guanio dahil inakit at inagaw ni Poleng si Bossing. Ilang taon ding naging magdyowa sina Vic at Pia hanggang maghiwalay na nga ang mga ito at pumasok sa eksena si Pauleen na siyang pinakasalan ni Bossing.
Ilang taon na rin ngayong kasal si Pia sa negosyanteng si Steve Mago. Kamakailan, nag-post si Poleng ng sweet picture nila ni Vic sa kanyang Instagram account at dito nga nagsimulang paratangan ng bashers ng kung anu-ano ang TV host-actress.
Sabi ng isang basher, “Sana masaya ka na ngayon Pauleen dahil inagaw mo na nang tuluyan kay Pia si Bossing!” Sey naman ng isa pa, “Hindi ka man lang naawa kay Pia, napilitang magpakasal sa ibang lalaki dahil wala na siyang magawa dahil inagaw mo na si Bossing.”
Sagot naman ni Poleng, “Hi! May asawa na si Pia when Vic and I started dating. Bakit nakakaawa? Siya ang unang nag-asawa at masaya siya. Anong nakakaawa dun?” Na sinagot naman ng kanyang basher ng, “Kawawang Pia…inagawan na nga ng mahal niya, pati pa theme song nila inagaw din…walang originality. Gaya2X!”
Hirit naman ni Pauleen, “Ikaw ang nakakaawa. We’re happy with our lives. Ikaw din sana.”