Ex-ERC chair nagpiyansa

ducut
Naglagak ng P140,000 piyansa si dating Energy Regulatory Commission chair Zenaida Ducut sa Sandiganbayan Third Division kaugnay ng mga kasong kinakaharap nito matapos umanong tumanggap ng kickback mula sa non-government organization ni Janet Lim Napoles.
Naghain si Ducut ng P60,000 para sa dalawang kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at P80,000 sa dalawang kaso ng malversation of public fund para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Si Ducut ay kinasuhan ng Office of the Ombudsman matapos umanong maging ahente para sa pagpasok ng Priority Development Assistance Fund ng noon ay Davao del Sur Rep. Marc Douglas Cagas IV sa mga NGO ni Napoles.
Nagkakahalaga umano ng P7.5 milyon ang PDAF na napunta sa NGO ni Napoles.
Hindi umano totoo na mayroong proyektong ipinatupad ang mga NGO.
Si Ducut ay dating kongresista ng Pampanga at itinatalagang ERC chair ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Read more...