Kalansay natagpuan sa poso negro

cavitePansamantalang natigil ang paghuhukay ng poso negro sa isang subdivision sa Gen. Trias, Cavite, matapos makatagpo ang mga construction worker ng kalansay ng tao sa hinuhukay nilang lupa Lunes ng hapon.

Nadiskubre ang kalansay sa Block 24, Lot 48, ng Bella Vista Subdivision, Brgy. Santiago dakong alas-4:30, ayon sa ulat ng Cavite provincial police.

Sinabi sa pulisya ni Cirilo Pasenabo na naghuhukay siya at ang mga kapwa construction worker ng poso negro, nang bumulaga sa kanila ang kalansay ng tila isang lalaki.

Naiulat sa pulisya ang insidente alas-7 ng gabi at nang rumesponde ang mga taga-provincial crime laboratory ay nakatagpo ng pa ng itim na brief, sinturon, at punit na shirt sa tabi ng kalansay.

Dinala na ang mga labi sa isang punerarya sa Trece Martires City para suriin at makilala.

Read more...