“PINAGTRABAHO agad?”
That was how a netizen reacted when Dingdong Dantes and Marian Something’s daughter Baby Zia or Maria Letizia did her first TV commercial as posted in one website. Kasi naman, four months pa lang si Baby Zia.
Apparently, nagtatanong ang netizen kung bakit kailangan nang magtabaho ni Baby Zia gayong well-off naman ang mga parents niya. The website posted Marian’s explanation, “Di ba, sinabi ko nga, parang ayoko pa na mag-endorse or everything si baby.
Kinukuha siya at kailangan talaga na baby siya na gawin namin ‘yun.” “Pinagkakatiwalaan naman talaga ang produktong ito at ako mismo, hanggang ngayon, ginagamit ko siya. At sa mga taong very close sa akin, sa taping, nakikita nilang ginagamit ko siya,” dagdag pa ni Marian.
Teka, ano naman ang pakialam ninyo kung pagtrabahuhin man nina Marian at Dingdong ang kanilang anak? Masyado kayong pakialamero!!! Bakit ‘yung ibang celebrities na merong TV ads ang mga anak ay hindi n’yo rin i-bash?