Ilang beses kaming napaiyak sa mga eksena sa inaabangang bagong pantaserye ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Dominic Ochoa na Super D sa special sceening ng show sa Dolphy Theater recently. Taung-tao ang bagong superhero sa telebisyon at may kurot sa puso ang kwento.
Siyempre, hindi na namin masyadong idedetalye ang mga napanood namin, pro pupurihin niyo talaga ang mga artistang kasama sa serye dahil sa napapakahusay na performance nila.Pawang matitindi ang mga artista from the bida, to the child stars hanggang sa veterans stars.
Kabugan talaga ng aktingan, huh! Hindi siya ‘yung ordinaryong pantaserye na basta pinasukan lang ng kung sinu-sinong artista. Kaya kung hindi magaling na artista at napasama ka sa Super D, for sure, laglag ka.
Lahat ng role sa Super D ay key characters. Walang small role, kontrabida role, palamuti role. Everybody counts at talagang magmamarka sa televiewers. Umere na kagabi ang pilot episode ng serye sa Primetime Bida ng ABS-CBN, kung saan ipinakita na ang karakter ni Richard Yap bilang unang Super D ngunit mamamatay ito dahil sa kanyang weakness – ang pinakamamahal niyang babae na ginagampanan ni Precious Lara Quigaman.