Kathryn sa P50-M TF mula kay Mar: Grabe! di sana may mansyon na ‘ko!

daniel padilla

NAGULAT si Kathryn Bernardo when we asked her kung true ba na P50 million ang tinanggap niyang kabayaran kapalit ng pag-eendorso sa isang presidential candidate. Marami kasing speculations on how she and her rumored boyfriend Daniel Padilla were convinced to endorse a presidentiable.

“Huh?! P50M?! E, ‘di kung may ganoon, e, ‘di baka may mansyon na ako. Ha-hahaha! Wala, walang ganoon. Doon kami nag-endorse kay Kuya Mar, by choice. Nandito kami dahil sa kanya kami naniniwala,” esplika ni Kathryn noong makausap namin siya sa “Kathryn Thankful@20” party na birthday treat sa kanya ng KB Buddies fans club.

May kanya-kanyang posisyon daw ang lahat at sana irespeto na lang ang naging desisyon niya. Gaya rin ng pagrespeto niya sa opinyon at desisyon ng iba. Matalino namang mamamayan si Kathryn kaya alam niya ang kanyang ginagawa. In fact, marami ang humahanga sa kanya dahil sinisikap pa rin niya ang makatapos sa kolehiyo kahit kumikita na rin siya ng milyung-milyong piso.

Dapat daw ay nasa second year college na si Kathryn pero may mga tini-take pa rin daw siyang subjects for first year. “May mga general subject pa na kailangan kong i-take. Ayun ‘yung kailangan kong tapusin and hangga’t kaya talaga, kung ilang units ang kayang i-take, ‘yun ‘yung ini-enroll ni Mama.

Basta dapat hindi raw mag-stop. Kaya sobrang hirap sabayan. Pero ang laking challenge sa akin kapag natapos. Grabe yun!” kwento ni Kathryn. Iba pa rin daw kasi ang taong nakapagtapos ng kolehiyo, “Ako sa sarili ko rin parang, right mo ‘yun, ‘di ba? Sinasabi, artista lang, walang pinag-aralan.

At least, kapag nakatapos ka meron kang ipapakita sa mga tao at sa sarili mo na nagawa mo ‘yun. Kasi hindi lang naman dahil may trabaho, hindi naman ‘to (pag-aartista) forever. Kailangan meron din tayong back-up sa future na maipagmamalaki mo.”

Kung hindi raw siya nag-showbiz, malamang isa raw siyang normal na estudyante. Uma-attend ng cooking lessons or nagti-take ng photography class. Marami akong tini-take na lessons, e.” Samantala, super excited na si Kathryn sa inaabangang next movie praject nila ni Daniel under Star Cinema and this time, they will be handled by no less than “the” Olive Lamasan.

“Super! Super! At super kinakabahan, grabe, si Inang ang direktor namin!” Malapit na malapit na raw silang mag-start although wala pa talagang date at title ang movie, “Pero nag-i-Spanish class na kami ngayon. Pero huwag po muna ninyo akong pagsalitain ngayon.

Kapag ready na. Huwag muna kasi baka pagtawanan ako.” Sa pilot episode naman ng Magandang Buhay hosted by Daniel’s mom Karla Estrada, Jolina Magdangal and Melai Cantiveros, muling tinanong ang dalawa kung ano na ang real score sa KathNiel.

Ang sagot ni Daniel, “Alam niyo, ang masasabi ko na lang, para sa amin ni Kathryn action speaks louder than words.” Next week, turning 21 na si Daniel kaya hiningan ng message si Kath, “Feeling ko sobrang tanda na niya. Parang ang bilis, 21 na siya.

“Pero sana madami ka nang natutunan at alam mo na kung paano i-handle ang lahat ng bagay. At sana ay palagi kang happy everyday. Dahil kapag happy ka, ay masaya kaming lahat. Happy birthday,” sey ni Kath.

Daniel then said, “Simula nu’ng nagsimula kami ni Kathryn hanggang ngayon, wala akong masasabi kung hindi salamat dahil ang sarap. Ang sarap na partner mo ang kasama mo sa success.”

Read more...