Si Maxine Medina ang itinanghal na Binibining Pilipinas-Universe sa ginanap na grand coronation night last Sunday sa Araneta Coliseum. Siya ang ilalaban ng Pilipinas sa 2016 Miss Universe.
Mismong si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang nagputong ng korona kay Maxine na talagang nabigla nang tawagin ang kanyang pangalan bilang bagong Miss Universe-Philippines. Isang interior designer si Maxine at nagsimulang maging ramp model noong 2008.
Ang iba pang kandidata na nakakuha ng titulo at korona ay sina Nicole Versoza, Binibining Pilipinas-International); Jennifer Hammond, Binibining Pilipinas-Intercontinental; Joanna Eden, Binibining Pilipinas-Supranational; Nicole Cordoves, Binibining Pilipinas-Grand International; at Nichole Manalo (sister ng dati ring beauty queen na si Bianca Manalo), Binibining Pilipinas-Globe.
Si Angelica Alita ang first runner-up, habang si Jehza Huelar naman ang tinanghal na second runner-up.
Isa sa mga nagpanalo kay Maxine ay ang kanyang pagsagot sa question and answer portion ng pageant kung saan tinanong siya ni ABS-CBN executive Cory Vidanes kung ano ang maipapayo niya sa isang 15-year-old girl na gusto nang tumigil sa pag-aaral.
Ang sagot ng dalaga, “I would tell the little girl to study hard no matter what their parents would tell them because having an education is something that cannot have anybody else. Education can make you even a better person.” Ang tanong, manalo rin kaya si Maxine sa 2016 Miss Universe pageant? Yan ang aabangan nating lahat!