Mystica bugbog-sarado sa tagasuporta ni Duterte, nilait at pinagmumura rin

mystika

Nararamdaman na ngayon ni Mystica ang lupeeeet ng mga tagasuporta ng tumatakbo sa panguluhan na si Mayor Rodrigo Duterte na minura-mura niya at winasak-wasak sa isang video post.

Hindi alam ng mas nakararami kung ano ang pumasok sa utak ng pa-split-split na performer na ito para pagsalitaan niya nang sakdal sakit ang pulitiko na hindi naman siya inaano. Tuloy ay nag-aagahan, nanananghalian at naghahapunan siya ngayon ng pag-upak sa kanya ng mga loyalista ng kandidato sa panguluhan.

Giyera ang kanyang hanap, buong-ningning na ibinigay ‘yun sa kanya ng mga nagmamahal sa mayor ng Davao City, wala na siyang katahimikan ng kalooban ngayon. Kundi kuno KSP ang dapat itawag sa kanya ay wala nang iba pa. La Ocean Deep (read: laos) na raw kasi si Mystica, hindi na napag-uusapan, kaya gumawa siya ng paraan para makuha ang atensiyon ng publiko.

Nilalait-lait siya ngayon ng mga nakiki-paglaban sa kandidatura ng mahal nilang mayor, kaliwa’t kanan ang tinatanggap na paghusga ngayon ni Mystica, kasabay nu’n ang pagtatawa sa kanya ng mga dati niyang kasama.

“Waley na kaya siyang career, kaya ang lola n’yo, e, gumawa na ng paraan para kahit paano naman, e, mapansin siya! O, di ba, effective ang gimik niya? Binabanatan siya ngayon, nakasentro sa kanya ang atensiyon ng mga tao, panalo ang hitad sa kalokahang ginawa niya!” komento ng isang source.

Read more...