Pia Wurtzbach tinuruan si Dr. Mike na manligaw ‘Pinoy style’

DR. MIKE AT PIA WURTZBACH

DR. MIKE AT PIA WURTZBACH

DIRETSONG inamin ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach na “exclusively dating” na sila ng Russian doctor na si Mikhail Varshavski o mas kilala bilang si Dr. Mike, ang tinaguriang “sexiest doctor alive.”

Ginawa ng dalaga ang pag-amin sa panayam ng Tonight With Boy Abunda kamakalawa ng gabi, “Yes,

I’m dating. Tito Boy, I dodged this question for a lot of interviews for you.”

Nasa bansa ngayon si Pia para sa Binibining Pilipinas 2016 coronation night bukas.

Nang tanungin kung kumusta naman si Dr. Mike na mukhang pursigido nga sa panliligaw sa kanya,

“He’s adjusting to the Filipino ways a lot because it’s very different, the culture is very different.

“I had to explain to him how it is here in the Philippines, kung paano ba manligaw, at kung alam niya ba kung ano ang ibig sabihin ng panliligaw. Ginagawa naman niya. And he’s a true gentleman,” chika pa ni Pia.

Nag-react din ang dalaga sa pamba-bash sa kanya ng ilang netizens dahil sa mga “sweet photos” na ipinopost nila ni Dr. Mike sa Instagram, “Kasi nu’ng lumabas yung mga balita, ‘Ay, naku, mawawalan na siya ng focus sa trabaho niya.’ ‘Baka ma-dethrone, bawal ang mag-boyfriend.’ ‘Baka mabuntis…’

“Ang dami kong narinig na mga ganyan. I assure you, guys, masakit sa kanya, pero sinabi ko talaga sa kanya na, ‘Ito yung number one priority ko, sorry.’ And he understands.”

Read more...