Susuwertehin sa  tinderang mataba (2)

Sulat mula kay Isabel ng Bangkal, Sapian, Capiz

Problema:

1. Dati akong public school teacher ako. Nang magretiro ako ay nagbukas ako ng bakery mula sa pera na nakuha ko sa pagreretiro. Ang problema sa ngayon ay unti-unti nang nauubos ang savings ko at ang laman ng tindahan. Medyo nalulugi na ako. Natatakot tuloy ako na kung sakaling maubos na nang tuluyan ang savings ko ay magmukhang kaawa-aawa ako dahil wala na akong kasama sa bahay. May asawa na po ang lahat ng mga anak ko at ako naman po ay isang biyuda.
Ano ba ang magandang business at paano ko ba mapapalagong muli ang aming bakery? May suwerte pa kayang darating sa aking buhay sa edad kong ito na 67? December 6, 1948 ang birthday ko.
Umaasa,
Isabel ng Sapian, Capiz
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ay nagsasabing bukod sa produktong pagkain o bakery, ikaw rin ay susuwertehin sa lahat ng negosyong may kaugnayan sa grocery at mga basic needs ng mga tao at sa lahat ng kalakal na niluluto at binibilad sa araw. Ang mga nabanggit na kalakal ang maari mong idagdag sa iyong tindahan.
Numerology:
Ang birth date mong 6 ay nagsasabing tulad ng nabanggit na, susuwertehin ka sa bakery at sa mas malaking tindahan na may lamang bigas, asukal, mais, kape at iba pang prokduktong buti at produktong mantika. Mas maganda kung sa palengke o sa pamilihang bayan ka ka matitinda. Sa ganyang paraan, mas madali kang uunlad at yayaman.

Luscher Color Test:
Upang mas mabilis na umunlad ang anumang negosyong hinahawakan, lagi kang gumamit ng kulay na pula at mga tindera na nakasuot ng kulay pula at mga tindera na matataba at mahahaba ang buhok. Ang nasabing kulay na pula at mga tindera na binaggit sa itaas ang magbibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran sa larangan ng pagtitinda.
Huling payo at paalala:
Isabel, ayon sa iyong kapalaran sa edad mong 67, hindi ka dapat matakot o mag-alala na maubos ang iyong savings at malugi ang iyong bakery. Sapagkat tulad ng naipaliwanag na, bukod sa bakery ay magtatagumpay ka rin at uunlad sa produktong grocery at mga pagkain o basic needs ng mga tao. Ibig sabihin, ituloy mo lang nang ituloy ang pagtitinda, sa ganyang gawain tiyak ang magaganap, limang taon pa mula ngayon, sa taong 2021 sa edad mong 73—maunlad na maunlad at mayamang-mayaman ka na.

Read more...