NATULOY na ang pagbibigay ng parangal sa mga itinanghal na National Artist noong 2014.
Matatandaan na ipinagpaliban ang seremonya dahil sa kontrobersiyal na desisyon ni Pangulong Aquino na huwag isama ang superstar na si Nora Aunor sa pararangalan.
Kabilang si Aunor sa listahan na isinumite ng joint board ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) bagamat hindi ito inaprubahan ni Aquino dahil sa pagkakasangkot ng aktres sa droga may ilang taon na ang nakararaan.
Kabilang sa anim na itinanghal na National Artist noong 2014 ay sina Cirilo F. Bautista (Literature); Francisco Coching – Visual Arts (Posthumous); Francisco Feliciano – Music (Posthumous); Alicia Garcia Reyes – Dance; Ramon P. Santos – Music; Jose Maria Zaragoza – Architecture (Posthumous)
Bukod sa anim, pinarangalan din sina Fedrico Aguilar Alcuaz – Visual Arts (Posthumous); Manuel Conde – Film (Posthumous) at Mr. Lazaro Francisco – Literature (Posthumous).
Isinagawa ang seremonya sa Malacanang Huwebes na pinangunahan mismo ni Aquino.