Tanker tumagilid sa Edsa; trapiko nagkabuhul-buhol

NAGDULOT  ng matinding trapik sa Edsa Huwebes ng umaga matapos tumagilid ang tanker na naglalaman ng mahigit 18 toneladang Liquefied Petroleum Gas  ang tumagilid  na  tanker na may lamang higit labing walong toneladang Liquid Petroleum Gas o LPG sa may Tramo flyover sa Pasay City.

Base sa report na isinumite sa tanggapan ni Sr. Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente pasado ala-1 ng madaling araw.

Ayon kay Efren Kanilio, driver ng tanker, bigla na lamang siyang  nawalan ng kontrol sa kanyang manibela, dahilan para bumangga sa poste ng ilaw ang nasabing tanker at saka ito tumagilid.

Dali-dali namang umantabay ang mga tauahn ng Bureau of Fire Protection dahil sa panganib na dulot nito.  Sa isang spark, posibleng sumabog at magliyab ang tanker at magdulot ng mas malaking sakuna.

Dahil dito, nabarahan at hindi pinadaanan sa mga motorista ang Edsa – Tramo Flyover na daanan patungong  Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga sasakyang galing EDSA.

Ang tanker ay pag-aari ng Island Gas Corporation na galing sa lalawigan ng Bataan at patungo sana sa planta sa Pasay City.

Read more...