Mystica galit na galit sa ginawang video, pinagmumura raw si Duterte
VIRAL sa internet ang video rant ni Mystica laban kay Mayor Rodrigo Duterte.
Walang katakot-takot ang singer, talagang mura siya nang mura sa video at galit na galit. Ang daming beking cheerleaders niya na nasa likod niya. She was spitting venom against Mayor Duterte. At one point, minura pa niya ang mayor.
Nakakaloka talaga ang katapangang ipinakita ni Mystica sa kanyang video. Wala siyang katakot-takot, mura kung mura talaga, walang patumangga ang kanyang aria against Mayor Duterte.
Galit na galit si Mystica sa curfew. Paano na nga law daw kapag may nag-trip na pulis at bigla na lang pagbabarilin sa kalye ang mga tao dahil lumabas sila sa curfew law.
Ang nakakaloka pa, meron pa siyang dayalog na merong taong willing magbayad sa kanya bumaliktad lang daw siya at kumampi kay Duterte.
Parang nakapagtataas ng kilay naman ‘yon. Kung true ‘yon, eh, di sana pinangalanan niya ang mga taong kumukuha sa kanya para i-endorse si Duterte.
With what she did in the video ay marami ang bumatikos kay Mystica. Nagpapapansin lang daw ito, umeeksena dahil kailangan niya ng attention.
Ang higit na nakakaloka, may nagpalabas ng sex video ni Mystica sa social media. Ito ‘yung lampungan ng singer with her boyfriend na matagal nang nasa internet pero ngayon ay muling lumabas.
Sino kaya ang nagpalabas no’n? ‘Yung mga nagalit sa kanyang anti-Duterte rants? What has Mystica has achieved on her now controversial video rant?
What else kundi ang mapansin siya!!!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.