Carrot Man kinuhang endorser ng damit

JEYRICK SIGMATON

JEYRICK SIGMATON

BONGGA! Endorser na rin ang tinaguriang Carrot Man na si Jeyrick Sigmaton, ang binatang biglang sumikat dahil sa karga-kargang kaing ng carrot sa isang bahagi ng Mountain Province.

Kumalat sa social media kahapon ang mga litrato ni Carrot Man suot ang bagong clothing line ng isang kilalang brand. Sa isang photo, suot ni Jeyrick ang isang hoodie with sleeves na may design na maliliit na carrots.

Maraming natuwa sa magandang opportunities na dumarating sa buhay ni Jeyrick, kaya sana raw ay alagaan niya ito.

Nag-suggest din ang ilan niyang followers at mga tagasuporta na kung may plano rin siyang mag-artista, kailangang maging handa siya sa mga pagsubok dahil hindi madali ang mundong papasukin niya.

Read more...