Mark todo pa rin sa panliligaw kay Winwyn; pero magso-showdown sa Lip Sync Battle

MARK HERRA AT WYNWYN MARQUEZ

MARK HERRAS AT WINWYN MARQUEZ

KUNG ang basehan ay ang pictures sa social media accounts nina Mark Herras at Winwyn Marquez, natural lang na isipin kung may namamagitan na ba sa kanila na higit pa sa pagkakaibigan lang. Sabi ni Mark, nililigawan pa rin niya si Winwyn at mukhang pinahihirapan nga siya ng dalaga sa kanyang panliligaw.

Pero ngayong Sabado ng gabi, magugulat ka dahil isasantabi muna ni Mark at Winwyn ang pagmamatamisan…at ilalabas na nila ang mga salitang maanghang at mga galawang beast mode sa Lip Sync Battle Philippines.

Bawal magsabihan ng gagawin, pero nakatiis kaya ang dalawa? Parehong OPM novelty classics ang napili nila para sa Round 1. Ang tanong, sino ang mas malakas ang dating?

Sa Round 2 naman, ipapakita ni Winwyn ang isang malaking-malaking pasabog niya. At may espesyal pa siyang kakampi—isang nilalang na kinatatakutan raw ng husto ni Mark. Ang goal daw ni Winwyn, mapa-walk out niya ang manliligaw.

Umubra kaya ito sa tapang ni Mark? Nangako ang aktor na wala munang gentleman ngayong Sabado dahil makikipagtapatan na siya ng galing sa aktres.

Sino ang mananalo? Ang manliligaw o ang nililigawan? Iyan ang tanong nina Michael V. at Iya Villania.

Abangan ang mga pasabog na lip sync performances na puro kasiyahan lang sa Lip Sync Battle Philippines after Pepito Manaloto sa GMA 7.

Read more...