Regine hinay-hinay sa pakikipaghalikan kay Mikael: Ayokong maguluhan si Nate!

regine velasquez uli

NAPAPAYAG pa rin ng GMA si Regine Velasquez na makipaghalikan kay Mikael Daez sa GMA Telebabad series na Poor Señorita kahit na ayaw na sana nitong gumawa ng mga ganu’ng eksena.

Unang inaalala ng Asia’s Songbird ay ang anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate, baka kapag napanood daw kasi ng bagets ang kissing scene nila ni Mikael ay ma-disillusion ito at kung anu-ano na ang itanong sa kanya.

“But it’s part of my job. I guess it’s really different na when you’re a mom. Kasi dati parang tira lang, akala ko it won’t change, pero ngayon parang mas sensitive ako. “Kasi he might ask me questions, I don’t want to confuse him,” paliwanag ni Regine nang mainterbyu ng entertainment press during the grand kick-off ng kanyang PLDT Home The Regine Series Nationwide Tou na ginanap sa SM City Bacoor, Cavite noong Linggo.

Mabuti na lang daw at hindi pa napapanood ni Nate ang pakikipaghalikan niya sa Poor Señorita, “Parang hindi niya nakita, hindi niya pinanood. Yung first episode pinanood niya. Kinukuwento pa nga niya sa akin kung ano yung pinanood niya.

“Pero I think the following episode, hindi na niya napanood, hindi ko rin pinapanood sa kanya,” kuwento pa ng Songbird. Mas nakakaintindi na rin daw ang bagets ngayon, “Maganda nga yung age na ito, he’s four years old, he can understand. I can already talk to him.

Yung kaya na, puwede na, yung maiintindihan na niya nang konti. “Pero siyempre, naninibago pa rin yun kahit alam kong naiintindihan niya. Siyempre, iba pa rin yung nandoon ako, yung nandoon si Mommy,” sey ng Songbird. Bukod sa Poor Señorita, magiging mas busy na ngayon si Regine dahil sa pagsisimula ng PLDT Home The Regine Series Nationwide Tour.

Free concert ito na alay ng PLDT sa lahat ng fans ni Regine na nagsimula rito sa Metro Manila last year. At ngayon nga ay dadalhin na nila ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa. “Last year I had five mall shows. This year, they decided na gawin nang nationwide kasi naging successful yung unang mall shows,” sey pa ni Regine.

In fairness, waging-wagi ang mga nanood sa unang pasabog ng PLDT Home The Regine Series Nationwide Tour sa Cavite dahil performance level talaga ang Songbird, “Kasi siyempre kahit na libreng concert ito, concert pa rin ito para sa akin.

At saka, like I said, I missed singing so much that when I’m singing I really give it my all.” During the show, nagkaroon din ng sing-alike contest kung saan sumali ang ilang mga Caviteño na talagang idol na idol si Regine.

May isang contestant pa nga na nag-iiyak nang makasama niya sa stage si Regine sa isang production number. Sobrang idol daw kasi talaga niya ang Songbird kaya dream come true para sa kanya na makita ito up close and personal.

Naging special guests ni Regine sa show sina Daryl Ong, That’s My Bae boys at ang gay impersonator niyang si Regina. Nagsilbi namang guests of honor ang PLDT executive na si Chaye Cabal-Revilla at ang asawa nitong si Bacoor City Mayor Strike Revilla.

Ibinalita rin ng Poor Señorita lead star na ang susunod na leg ng nationwide tour nila ay mangyayari sa Cebu at Pampanga ngayong July, at sa Davao at SM Megamall naman sa August. Aside from the bonggang free concert, ipino-promote rin ng Asia’s Songbird sa kanyang nationwide tour ang The Regine Telset Series ng PLDT na kinabibilangan ng limited edition landline phones sa halagang P99 per month na dagdag sa existing subscription.

Siyempre, tuwang-tuwa rin ang mga taong nasa likod ng proyektong ito lalo na si PLDT VP and Home Marketing Head Gary Dujali, “The success was unprecedented that’s why we are bringing it back. I remember how fast our stocks ran out within days after the launch.

It is truly an honor for us to have Ms. Regine and help spread the great news appropriately named after her, the Regine Series that offers new landline Telsets plus the best NDD and IDD call packages.”
For more information about the Regine Telset Series, visit pldthome.com/landline.

Read more...