Dominic Ochoa bagong superhero ng ABS-CBN; gaganap na Super D

dominic ochoa pa

Dominic Ochoa gets his biggest TV break via My Super D, isang fantaserye na magsisimula sa Lunes, April 18. Lead si Dominic as Super D. He said that it came at the most opportune time.

“I’m very thankful and blessed when they offered me this role. Masaya ang Pasko nu’ng binalita sa akin ito. It didn’t matter to me whether it’s small or big. Ang akin lang, you have to give 200% ng kakayanan mo. “Nataon ‘tong role na ito na isa na akong ama sa isang apat na taong gulang na bata.

Ito po ay tinatalakay natin sa story ng show natin, story ng isang anak at ama, naghiwalay ang mag-asawa, naging broken family at ipinagalaban niya ang anak niya,” esplika niya. Grateful siya sa Dreamscape Entertainment TV at kumpiyansa siya na magki-click ito dahil, “sila ang gumawa ng May Bukas Pa, Honesto, Nathaniel, 100 Days.”

“Kampante ako kasi sila ang nagsulat ng mga ginawa ko before so I’m thankful and excited na ‘yung tono, ’yung pananalita at role ay kaya nilang isulat sa character ko as Dong.” Bilang Super D ay pipilitin ni Dominic na siya mismo ang gumawa ng mga action stunts, “As much as possible, yes, hangga’t makakayanan ko ay gagawin ko.”

Read more...