Showbiz couple naghahalikan kahit nasa pampublikong lugar

BLIND ITEM F-M 0322

TAHIMIK na ang mundo ngayon ng isang kontrobersiyal na magkarelasyong personalidad. Hindi naman sila artista, pero dahil puro artista ang kanilang nakakasalamuha ay parang ganu’n na rin ang kanilang estado, lalo na ang lalaki na nasangkot nu’n sa isang napakalaking iskandalo.

Matindi ang pinagdaanan ng kanilang relasyon, lahat na yata ng klase ng pagsubok ay nakaengkuwentro nila, pero sa finals ay sila pa rin ang magkasama at nagmamahalan. Maraming kumontra nu’ng una sa kanilang relasyon, gagamitin lang kuno ng lalaki ang pamosong babae sa kanyang linya, pero ano nga ba ang magagawa ng mga miron kapag ang mga nagmamahalan na ang naging matatag?

Kailan lang ay maraming Pinoy ang nakakita sa kanila habang nagsi-shopping sa isang bansa na malapit lang sa Pilipinas. Sweet na sweet sila, palaging nakaangkla ang girl sa braso ng matangkad na lalaki, halos makuba naman ang babae sa pag-akbay sa kanya ng guwapong male personality.

Kuwento ng aming source, “Nakakainggit sila, parang hindi na bagay sa age nila ang magpaka-sweet in public, parang dapat, e, hindi na sila nagpapakita ng emotion nila sa maraming tao, pero hindi ‘yun ang mararamdaman mo.

“Mas bibigyan mo ng importance ang matinding pinagdaanan nila kapag nakita mo silang magka-holding hands, hindi mo na papansinin ang pagki-kiss ng guy sa mas may edad na girl, kasi nga, iisipin mo na lang na this is love!

“Imagine, super-controversial nu’n ang guy, matinding iskandalo ang kinasangkutan niya, pero hindi natinag ang love sa kanya ng girl! Siya pa nga ang sumuporta nu’n sa mga kaso ng male personality, di ba? “So, kapag nakita mo silang sweet sa isa’t isa, e, ‘yun ang maiisip mo.

Totoo, Bradly Guevarra, lumuhod ka pa nang walang belo, pero mawawala ang malisya sa utak mo kapag ganu’n katinding pagmamahalan ang nakita mo!” pagtatapos ng aming source.

Read more...