Hirit ni Leila De Lima: Gusto ko si Dawn ang gumanap sa life story ko! | Bandera

Hirit ni Leila De Lima: Gusto ko si Dawn ang gumanap sa life story ko!

Ervin Santiago - April 14, 2016 - 02:00 AM

dawn zulueta

SI Dawn Zulueta ang napili ni senatorial candidate at dating Department of Justice Secretary Leila de Lima na gumanap sa kanyang life story sakaling isalin ang kanyang makulay na buhay sa pelikula o sa isang dokumentaryo.

“Yes, si Dawn ang iniisip ko. Well, she’s a good actress and for a serious movie, kasi iniisip ko, if you will ask me kung ano ang possible title, probably ‘The Lady Justice.’ “That’s the story of my life, you know, yung mga nangri-raid, yung lumalaban para sa katarungan,” ayon sa matapang na dating kalihim ng DOJ nang makapanayam ng ilang miyembro ng entertainment press kamakalawa.

Siyempre, hindi raw mawawala ang aspeto ng lovelife sa kanyang life story, kaya kung papipiliin siya kung sino ang makakatambal ni Dawn, ito ang kanyang tugon, “Yung love life, yes… kaya nga ang pwedeng leading man niya si Richard Gomez.

Pero I don’t know, ayokong mag-focus siya sa love life. “Gusto kong mag-focus sa nagawa ko, yung paglaki ko, and then yung nagawa ko. Paano ako pinalaki ng parents ko, at paano ako nagtrabaho sa mga ibinigay sa aking trabaho,” sabi pa ni Sec. De Lima.

Bukod kina Dawn at Goma, favorite rin daw ng dating Kalihim sina Robin Padilla at Cesar Montano. Saludo raw siya kay Binoe dahil sa pagiging aktibo nito sa pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan.

Nabalitaan din daw niya ang personal na pagbisita ni Robin sa Kidapawan, North Cotabato para makiramay at tumulong sa pamilya ng mga magsasakang naging biktima ng karahasan doon.
“Well, kaya ako isa sa mga gusto si Robin, kaya crush ko iyan kasi very strong ang appeal niya.

Ma-appeal na ma-appeal talaga. “Pero gusto ko rin yung mga paninindigan niya sa buhay. Yung lalo na for the causes, for the plight of the Muslim brothers and sisters, passionate siya doon. “Nakikita ko passionate siya pagdating sa pakikilaban at pagtulong sa fellow Muslim…kasi he’s a converted Muslim.

So, saludo ako sa kanya pagdating diyan. And that’s part of the reason kung bakit gusto ko siya as an actor and as a human being also,” sey pa ng senatoriable. Ibinalita rin ni De Lima na may isang female celebrity na boluntaryong mag-eendorso sa kanya, “Hindi ko pa lang puwedeng sabihin kung sino kasi magsu-shoot pa lang ng TV ad this week.

Pero makikita niyo naman iyon.” Kung papalarin daw siyang mahalal sa senado una niyang pagtutuunan niya ng pansin ang justice system sa bansa, “Siyempre tungkol sa justice system, kung paano natin ito mae-enhance para mapabilis ang usad ng mga kaso, pati ang criminal investigation process.

“We’re also working on this Philippine version ng Proceeds of the Crime Act. There is such a legislation in England and European countries. Kasi doon tayo mahina. “Kasi may mga anti-corruption efforts tayo na kulang, yung going after, searching for, and making sure na hindi nagagamit yung mga nakaw na yaman, ill-gotten wealth.

“And hindi lang ito sa mga mandarambong, hindi lang ito sa mga plunderers at corrupt, kundi yung yaman ng big criminal syndicates, that’s why it’s called Proceeds of the Crime Act.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending