Xian kay Kim: I love you, wala nang makakaagaw nu’n sa ating dalawa!

KIM CHIU AT XIAN LIM

KIM CHIU AT XIAN LIM

NAGING emosyonal si Kim Chiu sa kauna-unahang major concert niya titled “Titled Chinita Princess: The Funtasy Concert” na ginanap sa KIA Theater, Cubao nitong weekend.

Ito’y bahagi pa rin ng selebrasyon para sa 10th anniversary ni Kim sa showbiz, pati ng rin ng kanyang birthday. In fairness, kahit daw nagkaroon ng technical problems ang show nabigyan ng justice ng singer-actress ang pagiging concert artist.

Siyempre, tuwang-tuwa si Kim dahil nandoon ang lahat ng kanyang mga supporters, from her fan clubs to her showbiz and non-showbiz friends hanggang sa kanyang pamilya.

Kahit daw sobra-sobrang nerbyos ang naramdaman niya habang tumatakbo ang kanyang fairy tale inspired concert, mas nangibabaw pa rin ang kanyang excitement na makapag-perform sa harap ng mga taong sumusuporta at nagmamahal sa kanya mula pa noong magsimula siya sa Pinoy Big Brother.

“Nagpapasalamat ako kasi ang daming tao, sobrang nakaka-overwhelm,” anang dalaga sa panayam ng entertainment media pagkatapos ng show.

Ilang beses tumulo ang luha ni Kim sa kabuuan ng concert, pero ang isa sa pinaka-memorable na performance niya ay nang kantahin niya ang “Peng You” na una niyang ipinarinig sa madlang pipol noong nasa loob pa siya ng PBB house.

Napaluha raw siya nang makita niyang umiiyak din ang kanyang pamilya sa audience, “Kinakanta ko lang ‘yun noong nag-aaral ako at ngayon, kinanta ko siya bilang artista ako.”

Ngunit ang talagang ikinakilig ng fans ni Kim ay ang duet nila ng kanyang rumored boyfriend na si Xian Lim. Pagkatapos ng kanyang production number, nagbigay ng mensahe ang hunk actor sa dalaga.

Anito, “Gusto ko lang sabihin na na maraming nagmamahal sa ‘yo, thousands of fans, so many people loving you, pero gusto ko lang sabihin sobrang saya ko na dumating ka sa buhay ko.

“Sobrang excited ako, sabi ko nga, from two people na pumupunta sa mall show with a banner it became two, to five, to twenty to hundreds. Gusto ko lang mapasalamat and maski thousands ang nag mamahal sa ‘yo, I just want to say na I love you so much. Nothing can take that away,” ang madamdamin pang pahayag ni Xian kay Kim.

Nakisaya rin sa concert ni Kim ang mga Kapamilya stars na sina Piolo Pascual, Angeline Quinto, Morisette Amon at Enchong Dee.

Samantala, patuloy pa ring humahataw sa ratings game ang Primetime Bida series nina Xian at Kim na The Story Of Us na napapanood pagkatapos ng Dolce Amore.

Ngayong linggo, tutukan ang mga bagong hamon na haharapin nina Tin at Macoy ngayong pareho na silang nasa Amerika. Magtagumpay kaya si Macoy na muling makuha ang pagmamahal ni Tin sa kabila ng mga nangyari sa kanila in the past? Tuluyan na kayang mabaling ang pagtingin ni Tin sa kanyang boss (Bryan Santos) na umamin na ring may nararamdaman na para sa kanya.

Sundin kaya ni Macoy ang payo ng kanyang kaibigan na ligawan uli si Tin para maging sila uli? Abangan lahat ‘yan sa The Story Us gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Read more...