NAGPALIWANAG ang Kapamilya youngstar na si Liza Soberano sa mga netizens na naiinis sa kanya sa pagtawag niya ng “best friend” sa kanyang ka-loveteam na si Enrique Gil.
Feeling daw kasi ng fans ng young actor, na-friendzone na ni Liza ang binata kaya palagi nitong ipinagdidiinan ang salitang “best friend” kapag may mensahe siyang ipinopost sa social media para kay Quen.
Sa kanyang Twitter account, idinaan ni Liza ang kanyang sentimyento tungkol sa isyung ito.
Aniya, “I can’t believe peole still get mad for me saying he’s my best friend. Is that a bad thing?
“Calling someone your best friend doesn’t necessarily mean you are friend-zoning them. Things can develop right?” ani Liza.
Sabi pa nito sa isang panayam, “It’s not hard to like him, his very likeable and we’re close. It’s fun to have a crush on your best friend.”
Ilang beses nang sinabi ni Enrique na totoong nanliligaw na siya kay Liza pero dahil hindi pa handa ang dalaga sa isang seryosong relasyon, handa raw siyang maghintay hanggang sa maging ready na ang dalaga.
Aniya, hindi naman daw siya nagmamadali, ang mahalaga raw ngayon ay ang kanilang friendship.