Bagets actor ayaw ibigay ang komisyon ng talent manager

BLIND ITEM MALE 0412

ISA sa mga araw na darating ay lulutang din ang kuwento ng kawalan ng utang na loob ng isang bagets actor. Hindi pa nga siya masyadong nagmamarka, wala pa rin siyang napatutunayan, pero wala na raw sumbrerong kasya sa paglaki ng kanyang ulo.

Isang personalidad na kilalang-kilala sa showbiz ang gumawa ng paraan para siya magkaroon ng magagandang proyekto sa isang malaking network.

At dahil hindi pa naman marunong umarte ang bagets ay ang nasabing personality na nirerespeto sa industriya ang nag-workshop nang walang anumang kabayaran sa young actor.

Napapanood na siya ngayon bilang bida sa isang serye katambal ang isang magandang young actress, binigyan siya ng markadong proyekto ng network, lahat ‘yun ay dahil sa pag-aalaga at pagtutulak sa kanyang career ng nirerespetong personalidad.

Kuwento ng isang source, “Maagang lumaki ang ulo nu’ng bagets! Imagine, napakatindi ng hirap na inabot ng manager niya para lang siya makilala at magkaroon ng mga projects na siya ang bida, pero gusto na pala niyang kumalas sa pangangalaga ng nirerespetong personalidad?

“Nakakaloka siya, hindi pa man, e, lumobo na agad ang ulo niya? Gusto na niyang ilaglag ang manager niya sa ganito kaagang panahon?” kuwento ng aming impormante.

May kuwento pang umiikot ngayon na hindi na rin ibinibigay ng bagets actor ang dapat maging komisyon ng kanyang manager. Ito ang naghahanap ng trabaho para sa kanya pero pilit na pilit ang pagbibigay niya ng komisyon.

“Ano ‘yun? Tinatanggap niya ang trabaho, pero ayaw niyang magbigay ng commission sa manager niya?

Aysus naman, wish ko lang, if I may, ibigay niya ang karapat-dapat na komisyon ng manager niya!” napapailing na dagdag-kuwento ng aming source.

Read more...