Tignan: Pacquiao, asawang si Jinkee nag-post ng victory photo

manny-jinkee-instagram
AGAD na nagpost ng litrato si boxing champ Manny Pacquiao at kanyang asawang si Jinkee matapos matalo si Timothy Bradley sa kanilang laban sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas
Kapwa nagpost ng litrato sina Manny at Jinky sa kanilang Instagram account.
“Through thick and thin. Always by my side no matter what. To God be the glory,” sabi ni Pacquiao.
Sa isang panayam matapos ang kanilang laban ni Bradley, nanindigan si Pacquiao sa kanyang planong pagreretiro sa boksing.
“Physically, I can still fight but I made my decision to help Filipinos and spend more time with my family,” dagdag ng eight-division world champion.
Meron nang rekord si Pacquiao na 58-6-2, na may 38 knockout.

Read more...