Palasyo binati si Pacquiao sa kanyang panalo kontra Bradley

Lumanding ang isang mabigat na punch ni Manny kay Bradley.

Lumanding ang isang mabigat na punch ni Manny kay Bradley.


NAKIISA ang Palasyo sa pagbubunyi ng buong bansa sa pagkapanalo ni boxing champ Manny Pacquiao matapos namang matalo si Timothy Bradley sa kanilang mulig pagtutuos.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma na binabati ng Malacanang si Pacquiao sa kanyang pagkapanalo.

“Manny Pacquiao has done the Filipino nation proud again by winning decisively against Timothy Bradley,” sabi ni Coloma.

“We applaud and thank him for demonstrating anew that the Filipino has the courage and skill to compete in the global arena,” ayon pa kay Coloma.

Read more...