Pagdi-gym ni Iya kahit buntis na binatikos

iya villania

NA-BASH nang husto si Iya Villania matapos niyang ibandera sa kanyang Instagram account ang mga ginagawa niyang physical activities sa kabila ng kanyang pagbubuntis.

Kung may bumilib sa misis ni Drew Arellano dahil sa pagiging active nito sa pagpunta sa gym kahit pregnant na, marami rin ang nagkomento ng negatibo at nagpahayag ng kanilang concern sa batang ipinagbubuntis niya.

Nasa second trimester na ng kanyang pagdadalang-tao si Iya kaya ayon sa mga nakapanood ng kanyang video sa Instagram while doing some exercises baka raw may hindi magandang epekto ito sa baby. Baka raw pagsisihan pa ni Iya ang mga ginagawa niya kapag naipanganak na niya ang bata.

At dahil dito, in-explain ni Iya sa kanyang followers kung bakit kailangan niyang maglaan ng panahon sa gym, aniya, “#DidYouKnow that EXERCISE reduces the chance of having a caesarean by 75%!!! This is my gal [Hannah Olives] and I at #CoreTraining which I’ve been doing for the past 6yrs.

“Pregnancy is definitely not the time to try and hit new fitness goals but rather about maintenance! If your body was used to an exercise prior to pregnancy then it will be safe to carry on (adjusting intensity accordingly) as long as your body says it’s still okay and your doctor approves.

“We were blessed with amazing bodies! It will tell us when we need to slow down (or stop). We just have to be sensitive and listen to it. Cheers to the active mommas out there!” sabi pa ni Iya.

Read more...