Nora Aunor lumahok sa rali na nagkokondena sa karahasan sa Kidapawan

nora
LUMAHOK si superstar Nora Aunor sa isang kilos protesta na isinagawa nsa Mendiola, Maynila para ikondena ang nangyaring marahas na dispersal sa mga magsasaka sa Kidapawan.

Sinabi ni Nora na dapat na magbitiw ang mga opisyal na sinisisi sa nangyaring insidente sa Kidapawan.

Kasama ni Nora Aunor ang aktress na si Monique Wilson sa mga nagprotesta.

Bago nagtungo sa Mendiola, nagmartsa muna ang iba’t ibang grupo mula sa Plaza Miranda matapos silang dumalo sa isang misa sa Quiapo Church.

Binatikos din ng grupo ang patuloy na pananahimik ni Pangulong Aquino kaugnay ng insidente.

Read more...