Binay tinawag na “Mr. Berdugo” si Duterte

binay
Tinawag ni Vice President Jejomar Binay si Davao City Mayor Rodrigo Duterter na “Mr. Berdugo,” na ayon sa bise presidente ay mahihirap lamang ang pinapatay.

“Mister berdugo, ako ay pro-life at ang aking ginagawa ay para gumanda ang buhay ng mahihirap. Ikaw naman, pumapatay ka ng mahirap,” sabi ni Binay.

Idinagdag ni Binay na mga mahihirap lamang ang target ni Duterte dahil hindi makakalaban ang mga ito.

Umalma rin si Binay matapos namang idamay ni Duterte ang kanyang pamilya sa kanyang mga patutsada.

Sinabi ni Binay na mismong kay Duterte nanggaling ang pag-amin na sangkot siya sa Davao Death Squad (DDS) at pagpatay sa 1,700 na katao.

Aniya, kabilang sa mga umano’y naging biktima ni Duterte ay ang magkakapatid na Richard Alia, 18; Christopher Alia, 17; at Bobby Alia, 14 na pawang pinaslang ng Davao Death Squad (DDS).

Read more...