Sickness benefits claims | Bandera

Sickness benefits claims

Liza Soriano |April 08,2016
facebook
share this

Sickness benefits claims

Liza Soriano - April 08, 2016 - 03:00 AM

ISANG pagbati sa Aksyon Line. Isa ako sa masusugid na tagasubaybay ng inyong column at batid ko na marami kayong natutulungan. May dalawang linggo na rin ang nakalilipas noong sumailalim sa breast operation ang aking ina.

Agad naman kaming nag-file ng claim sa SSS through sickness benefits .
Ask ko lang sana kung magkano ang makukuha niya?
Ito ang SSS number ng mother ko 03-4…
Melanie Gregorio

REPLY: Para sa iyong katanungan Gng. Gregorio, lumalabas sa aming record na hindi ka pa nakakapag-file ng sickness benefits.

Bagaman kwalipikado ka naman sa sickness benefits, ang iyong huling hulog ay mula Abril hanggang Disyembre 2015.

Kaya pinapayuhan si Gng. Gregorio na mag- file ka na ng sickness benefits sa pinakamalapit na sangay ng SSS sa inyong lugar.

Matapos ang pag-file ay maaari ka na rin na mag-file ng disability benefits.

Sa kasalukuyan ay mayroon kang 99 months na contributions at mangangailangan ng 120 months contributions para maging kwalipikado sa pension sa pagsapit ng edad na 60.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan.
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer, Media
Affairs Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending